Matagumpay na isinakatuparan ng Police Regional Office 8 (PRO-8), sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Jason L Capoy, Regional Director, ang boluntaryong pagsuko ng isang Communist Terrorist Group (CTG) member sa Oquendo District, Calbayog City, Samar nito lamang February 18, 2026.
Ang naturang pagsuko ay naging posible alinsunod sa tuloy-tuloy na direktiba ni Chief, Philippine National Police (PNP), Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., na paigtingin pa ang enhance police operations ng buong Pambansang Pulisya lalo na ang kampanya nito upang matuldukan ang mga local armed conflict sa buong bansa.
Kinilala ang nasabing surrenderer na si alyas “Totoy,” isang 41-year-old lending collector at residente ng Oquendo District, Calbayog City, Samar. Si Totoy ay dating miyembro ng squad 1, sa ilalim ng SRC, EMPORIUM, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Isinuko rin ng dating rebelde ang isang magasin na may anim na rounds ng bala.
Pinangunahan ang naturang pagsuko ng mga tauhan ng 1st Samar Provincial mobile Force Company (SPMFC), katuwang ang Provincial Intelligence Team (PIT) Samar, Regional Intelligence Unit 8 (RIU-8).
“We remain committed to encouraging members of the CTG to return to the folds of the law and choose a peaceful life. PRO 8 will always be ready to assist those who decide to abandon armed struggle and embrace lasting peace,” saad pa ni PBGen Capoy.
Kasalukuyan namang nasa ilalim ng kustodiya ng 1st SPMFC ang naturang former rebel na nakatakdang sasailalim sa enrollment ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.



