Nakumpiska ng mga operatiba ng Police Regional Office 7 ang tinatayang nasa Php2.72 milyong halaga ng mga iligal na droga sa isinagawang drug bust operation sa Sitio MiƱulida, Barangay Calamba, Cebu City nito lamang January 11, 2025.
Ayon kay PBGen Redrico A Maranan, Regional Director ng PRO7, isinagawa ang naturang operasyon dakong alas-3:20 ng madaling araw sa pangunguna ng mga tauhan ng Police Station 6 ng Cebu City Police Office (CCPO), na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang suspek.
Kinilala ang naarestong High Value Individual na si alyas āEstoyā, 22, kasama ang isa pang babae na 49-anyos at tinaguriang Street Level Individual.
Kabilang naman sa mga nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 400 grams ng hinihinalang mga iligal na droga na mayroong kabuuang street value na Php2,720,000, buy-bust money, at isang eco bag.
Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165, o ang āComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002ā.
āThis operation shows PRO7ās commitment to dismantling illegal drug networks and protecting our communities. We will continue to act decisively against drug offenders to ensure safer neighborhoods,ā dagdag pa ni PBGen Maranan.



