PRO 12, nagkaloob ng ayuda sa mga pulis at pamilyang apektado ng magnitude 7.8 na lindol

0
357

Nagkaloob ng pinansyal na tulong si Police Brigadier General Alan B. Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12 (PRO 12), sa mga pulis at kanilang mga pamilya na lubhang naapektuhan ng Magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa SOCCSKSARGEN Region noong Hunyo 9, 2026 sa harap ng PRO 12 Administration Building sa Camp General Paulino T. Santos, Tambler, General Santos City.

Ayon sa PRO 12, ang mga benepisyaryo ay sumailalim muna sa beripikasyon upang matukoy ang lawak ng pinsalang kanilang natamo dulot ng malakas na lindol.

Layunin ng naturang cash assistance na magbigay ng agarang suporta sa mga apektadong tauhan at kanilang mga pamilya habang unti-unti silang bumabangon mula sa epekto ng kalamidad. Kasabay nito, tiniyak ng pamunuan ng PRO 12 ang pagpapatuloy ng mga operasyon para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.

“Hindi po namin pababayaan ang ating mga kapulisan at kanilang pamilya. Sa panahon ng kalamidad, mahalagang maramdaman nila na kasama nila ang organisasyon sa pagbangon at pagharap sa mga pagsubok,” ani PBGen Manibog.

Leave a Reply