PRO 12, kinilala ang tagumpay ng mga nagtapos sa Criminal Investigation Course

0
144

Kinilala ng PRO 12 ang tagumpay ng mga nagtapos ng Criminal Investigation Course sa pangunguna ni Police Brigadier General Alan B. Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12 (PRO 12) sa isinagawang Closing Ceremony ng CIC Classes 1195 at 1196-2026 sa PRO 12 Grandstand, Camp General Paulino T. Santos, Tambler, General Santos City noong Hunyo 4, 2026.

Ang nasabing pagtatapos ay tanda ng kanilang kahandaan na gampanan ang mahalagang tungkulin bilang katuwang sa pagpapatupad ng batas at paghahatid ng katarungan sa komunidad.

Binigyang-diin sa programa ang mahalagang papel ng mga imbestigador sa pagtuklas ng katotohanan, pangangalap ng ebidensya, pagtukoy sa mga responsable sa krimen, at pagtiyak na ang mga kaso ay nalulutas sa pamamagitan ng masusing at makatarungang imbestigasyon. Ang kanilang dedikasyon at kasanayan ay mahalaga upang maisalin ang impormasyon tungo sa matibay na ebidensya at matagumpay na pagresolba ng mga kaso.

“Ang pagtatapos ng pagsasanay ay simula ng mas mabigat na tungkulin na maging tapat, matatag, at maaasahang tagapagtaguyod ng katarungan para sa bayan,” ani PBGen Manibog.

Patuloy namang pinalalakas ng Police Regional Office 12 ang kakayahan nito sa larangan ng imbestigasyon sa pamamagitan ng paghubog ng mga pulis na may mataas na antas ng kaalaman, integridad, at propesyonalismo sa paglilingkod na naaayon sa hangarin ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply