Pinaigting ng mga operatiba ng Baguio Police Station ang kanilang presensya sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay Malagos nito lamang Oktubre 21, 2024.
Nagtipon-tipon ang mga residente ng Barangay Malagos at kalapit barangay para sa iba’t ibang pampublikong serbisyo at aktibidad na inihanda para sa naturang pagdiriwang.
Sa pangunguna ni Police Major Lisandro G Bernado, Acting Station Commander ng Baguio Police Station, ang masaya at ligtas na pagtatapos ng pagdiriwang ay nagpatunay sa matagumpay na kolaborasyon ng mga ahensya at lokal na pamahalaan, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagbuo ng isang mas ligtas na komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino