PNP, pinaiigting ang seguridad sa mga embahada ng bansang US, Israel at Iran

0
293

Mas pinaiigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad  maging ng mga diplomatic missions sa bansa kasunod ng naganap na protesta sa malapit sa embahada ng United States sa lungsod ng Maynila nito lamang Martes.

Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., dadagdagan pa nila ng mga tauhan na magbabantay ng seguridad at kaayusan sa parehong mga embahada sa tulong ng mga local police units sa buong Metro Manila.

“We are closely monitoring the situation on the ground, particularly in embassies, which could become flashpoints for public demonstrations,” saad pa ni PGen Nartatez.

Dagdag pa ng mga awtoridad na nakapokus sila sa pagbabantay sa mga embahada ng Estados Unidos sa Maynila, sa Iranian Embassy sa Makati City, at sa Israeli Embassy sa Taguig City.

Matatandaang nitong Martes, nagtipon-tipon ang ilang mga demonstrador sa may bandang Kalaw Avenue at sinubukan umanong lumipat sa US Embassy, ngunit hinarangan na sila ng pulisya sa Roxas Boulevard.

“Our priority is peace and order and the protection of diplomatic missions. We urge everyone to remain calm and observe peace,” dagdag pa ni PGen Nartatez.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1270323