PNP: Payapa ang Pagdiriwang ng Pasko

0
631

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na naging payapa at maayos ang pagdiriwang ng Pasko sa buong bansa. Walang naitalang insidente kaugnay ng mga misa noong Bisperas ng Pasko, Disyembre 24, kasunod ng matagumpay na pagbabantay sa siyam na Simbang Gabi na ginanap mula Disyembre 16 hanggang 24.

Ayon kay Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Acting PNP Chief, ang kaayusan ng pagdiriwang ay bunga ng pagtatalaga ng mga tauhan sa mga simbahan, transport hubs, at pangunahing lugar na dinaragsa ng publiko upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto at mamamayan. Ito rin ay bunga ng disiplina at pakikipagtulungan ng publiko

Binigyang-diin din ni PLtGen Nartatez na ang maayos na pagsasagawa ng mga misa ay patunay dedikasyon ng mga pulis na nanatiling naka-duty kahit panahon ng kapaskuhan. Nagpasalamat din siya sa mga lider ng simbahan, lokal na pamahalaan, force multipliers, at mga boluntaryo sa kanilang pakikiisa sa pagpapanatili ng kaayusan.

“While many Filipinos spend this season with their loved ones, our police officers remain on duty across the country, doing their part to keep communities safe and peaceful. Their quiet sacrifices allow families to celebrate Christmas with confidence and peace of mind,” ani PLtGen Nartatez.

Tiniyak ng PNP na magpapatuloy ang pinaigting na police visibility at public safety operations hanggang sa natitirang mga pagdiriwang ng holiday season, kabilang ang Pasko at Bagong Taon, bilang bahagi ng adbokasiyang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.