PNP, mahigpit na binabantayan ang Roblox at iba pang online platforms upang agapan ang child exploitation

0
528

Mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang monitoring kontra sa lahat ng mga monitoring ng online gaming platforms, partikular na ang Roblox, upang maagapan ang mga posibleng mga criminal activities at upang maiwasan ang online child exploitation.

Ito ay kasunod sa mga ulat ng awtoridad kaugnay sa mga predators na ginagamit umano ang mga interactive features ng Roblox upang targetin ang mga menor de edad at kabataan.

Nauna ng inatasan ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.,ang PNP Anti-Cybercrime Group na palawigin pa ang kanilang mga surveillance operations sa lahat ng mga gaming platforms sa bansa upang tugisin ang parehong mga iligal na aktibidad.

Dagdag pa ni PGen Nartatez na kasalukuyan ding nakikipag-ugnayan ang PNP sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa nasabing iligal na aktibidad sa Roblox.

“The PNP is coordinating with other agencies, such as the DICT and the CICC, to investigate the extent to which Roblox may be used for possible crimes, including sexual predation, grooming, and exploitation of minors,” pahayag pa ni PGen Nartatez.

“We will not allow our children to be exposed and exploited in this kind of online environment,” dagdag pa niya.

Samantala, nagbigay na rin ng ultimatum ang CICC sa Roblox na magsumite ng ulat sa kanila hanggang sa katapusan ng buwan kaugnay sa mga ipinatupad nilang safety measures para sa kabataan, bilang bahagi sa layunin ng pamahalaan upang tiyakin ang seguridad ng kabataan sa mga online platforms.

“Our mandate of serving and protecting the people now encompasses cyberspace to keep them safe, especially for children. This is what modern policing also means and your PNP has been keeping up,” paliwanag pa ni PGen Nartatez.