PNP, maghahain ng kaso matapos marescue ang 18 biktima ng child abuse

0
236

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na gagawin nila ang lahat ng mga legal na pamamaraan upang masampahan ng kaso ang mga salarin sa likod ng matagumpay na pag-rescue ng mga tauhan ng Women and Children Protection Center (WCPC) sa 18 menor de edad sa magkakahiwalay na mga operasyon nito lamang February 18 at 19, 2026.

Nito lamang Feb 19, naaresto ang isang babaeng suspek mula sa Abuyog, Leyte na nauugnay umano sa naunang naaresto na 50-year-old Norwegian national dahil sa pagkakaroon ng mga sexual abuse materials.

“Our priority is always the safety and recovery of the victims. We ensure that rescued children are immediately placed under proper care,” ayon pa ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

“At the same time, we build strong cases against perpetrators. This is part of our commitment under the PNP Focused Agenda—enhancing how we manage police operations so our response is faster, smarter, and more compassionate,” dagdag pa niya.

Lumalabas sa resulta ng isinagawang forensic examination sa cellphone ng nasabing Norwegian national na mayroong mga online communications, malalaswang content at mga financial transactions sa isang lokal na contact.

Narescue ng mga awtoridad sa Leyte ang nasa pitong kabataan, habang narekober naman ang ilang mga digital devices, kabilang na ang mga mobile phones at isang tablet, maging ng mga explicit video files na sangkot ang mgha menor de edad.

Sumunod namang narescue sa Cagayan de Oro City, ng mga WCPC operatives ang isang batang babae kasunod ng isang referral mula sa Philippine Internet Crimes Against Children Center katuwang ang iba pang mga international law enforcement partners at mga local police units maging ng mga social welfare offices.

Samantala sa Tanauan City, Batangas, narescue rin ng iba’t ibang WCPC units at local police, katuwang ang City Social Welfare and Development Office, ang nasa 10 menor de edad na pinaniniwalaang biktima rin ng trafficking in persons. Lahat ng mga biktima ay kasalukuyang isinailalim sa protective custody ng ating mga social welfare authorities para sa kaukulang psychosocial assessment and care.

“The protection of our children is non-negotiable. Hindi tayo titigil sa pagprotekta at pagbibigay hustisya para sa mga biktima,” saad pa ni PGen Nartatez.

Source: PNP vows strong cases after rescuing 18 child abuse victims | Philippine News Agency