Bumaba sa 36% ang Focus Crimes sa bansa sa buwan ng Setyembre 2026, iyan ang iniulat ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, kung saan nakapagtalaga umano ang himpilan ng higit one-third na pagbaba ng mga kaso kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Sa inilabas ba datos ng PNP, bumaba sa 2,063 kaso ang mga focus-crimes nitong September 2026 mula sa 3,226 kaso noong September 2025. Simula July hanggang September 2026, nakapagtala rin lamang ang PNP ng 7,233 mga kaso, mas mababa ng 3,063 mula sa 10,296 kaso na naitala sa parehong mga buwan noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga bumaba ngayong Setyembre ang mga kasong may kaugnayan sa rape na mayroon na lamang 309 mula sa 723 noong September 2025; carnapping of motor vehicles, mula 26 patungong 11; physical injury, mula 417 na naging 231; carnapping of motorcycles, mula 214 na naging 121; theft, mula 1,176 patungong 803 ngayong taon; robbery, mula 336 patungong 254; at homicide, na mayroong 92 mula sa 97. Samantala, tumaas naman ng 2.11% ang kaso ng murder mula 237 noong nakaraang taon sa 242 nitong buwan ng September 2026.
Iniuugnay ng PNP ang pagbaba ng nasabing mga krimen sa walang humpay na pagpapatupad ng mga tauhan nito ng police visibility, focused crime-prevention operations, timely police response, at walang sawang pakikipag-koordinadyon sa mga loval government units at ng buong komunidad.
Bahagi rin ang naturang tagumpay sa malawakang pagpapatupad ng PNP Focused Agenda lalo na ang Enhanced Managing Police Operations (EMPO), alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
“The decrease is the result of different efforts coming together—our personnel staying visible, communities reporting concerns, and police units acting on information and incidents as they come. (Ang naturang pagbaba ay resulta ng iba’t ibang pagsisikap na pinagsama-sama—ang ating mga tauhan ay nananatiling nakikita, ang mga komunidad ay nag-uulat ng mga problema, at ang mga yunit ng pulisya ay agad na kumikilos batay sa impormasyon at mga insidenteng nangyayari.) Hindi lang ito trabaho ng pulis; malaking bahagi rin ang pakikipagtulungan ng ating mga kababayan,” pahayag pa ni PGen Nartatez.
Dagdag pa ng Chief PNP na hindi magiging dahilan ang naturang datos upang tumigil ang Pambansang Pulisya at makampante sa kanilang mandato lalo na ang paghahatid ng police visibility sa mga lugar kung saan patuloy na nangyayari ang ibang mga krimen. Aniya, nabigyan na rin ng direktiba ang hanay upang pagtibayin pa ang kanilang monitoring activities kaugnay sa mga local crime patterns upang tiyak na maagapan ang anumang kriminal na mga aktibidad.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CCF4oEaGn/?mibextid=wwXIfr

