PNP at ICRC, pinatatatag ang ugnayan sa pagsusulong ng human rights at professional policing

0
173

Pinatatatag ng Philippine National Police (PNP) at International Committee of the Red Cross (ICRC) ang kanilang patuloy na ugnayan para sa pagsusulong ng human rights at professional policing sa isinagawang courtesy meeting noong Agosto 26, 2026, sa PNP Officers’ Star Lounge, Camp Crame.

Pinangunahan ni Deputy Chief PNP for Administration PLtGen Bernard M. Banac, kasama ang iba pang key officer ng PNP, ang pagtanggap kay Ms. Megan Rock, bagong talagang Head of Delegation ng ICRC, kasama si Mr. Ahmed Dorgham, ICRC Police and Security Forces Delegate.

Tinalakay sa pagpupulong ang patuloy na kooperasyon ng dalawang organisasyon, partikular sa pagtataguyod ng propesyonal na police service, mga prinsipyong makatao, at paggalang sa karapatang pantao sa pagganap ng mga tungkulin ng PNP. Binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman, kakayahan, at pananagutan ng mga police personnel upang maisakatuparan ang isang responsable, makatao, at people-centered na serbisyo publiko

Inaasahan ng PNP na higit pang mapalalalim ang partnership nito sa ICRC bilang suporta sa pagpapaigting ng isang propesyonal, accountable, at people-centered na police service. Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan at pagsusulong ng human rights at humanitarian principles, nananatiling nakatuon ang PNP sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” para sa mas ligtas at mapayapang pamayanan.

Source: PNP-PIO (https://www.facebook.com/share/p/19AWGRixhr/)

Leave a Reply