Saturday, November 23, 2024

PLtGen Danao nanguna sa Send-Off Ceremony ng Relief Operations para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon

Camp Crame, Quezon City – Pinangunahan ni PNP Officer-In-Charge, Police Lieutenant General Vicente D Danao Jr ang isinagawang Send-Off Ceremony ng Relief Operations patungong Abra, sa PNP National Headquarters, Camp Crame, nitong ika-28 ng Hulyo 2022.

Ito ay kasunod sa Magnitude 7 na lindol na yumanig sa Northern Luzon kahapon, Hulyo 27, 2022, partikular na sa dalawang Rehiyon, ang Region 1 at Cordillera Administrative Region na lubos na naapektuhan ng nasabing pagyanig.

Ngayong araw nakatakdang magpadala ang pamunuan ng Philippine National Police ng Search, Rescue and Retrieval Team partikular na sa probinsya ng Abra sa Cordillera Administrative Region na siyang epicenter ng naturang lindol.

Binubuo ang SRR Team ng 24 tauhan mula sa Special Action Force kung saan 8 sa mga ito ang Water Cops na siyang naatasan para sa water desalination habang 8 naman para sa Security; at 20 pang mga tauhan mula sa Police Community Affairs and Development Group, Health Service at Logistics Support Service.

Maliban pa riyan magpapadala din ang himpilan ng mga relief goods, saku-sakong bigas, canned goods at mga biscuits na nagkakahalagang Php380,000 sa Abra Police Provincial Office para sa mga residente na lubos na naapektuhan doon.

Samantala, siniguro naman ni PLtGen Danao na mahahatiran ng tulong ang mga residente roon lalo na sa kanilang mga pangunahing pangangailangan sa pinakamadaling panahon, aniya, mananatili ang mga tauhan don lalo na ang mga Water Cops hanggang babalik sa normal ang kanilang water system, habang mamimigay naman ang iba pang mga tauhan ng iba’t ibang uri ng tulong sa lahat ng mga munisipalidad na naapektuhan.

Natapos ang naturang aktibidad sa isang mataimtim na dasal para sa kaligtasan ng mga miyembro ng Pambansang Pulisya na maghahatid ng tulong sa mga biktima ng nasabing kalamidad.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles