Cagayan – Inilunsad ng Piat Police Station sa pamumuno ni Police Major Marlou Del Castillo, Chief of Police, ang bagong Best Practice na Project L.U.P.A. (Leading in Unifying Parties involved in Land Disputes) na ginanap sa Pavillion ng Brgy. Poblacion 2, Piat, Cagayan, noong ika-22 ng Setyembre 2023.

Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa sina Atty. Hanely T. Taliping at Land Managing Officer 1 Chell Rio Acupan ng talakayan patungkol sa batas, patakaran at programa hinggil sa lupa.
Maliban dito, nagsagawa rin ng paglagda ng Pledge of Commitment bilang katibayan ng pagtutulungan at pagkakaisa sa nasabing proyekto.

Layunin nito na isulong ang kooperasyon ng may alitan sa lupa upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at pagkakaisa sa komunidad.
Ang programa ay dinaluhan ni Police Colonel Julio Gorospe Jr, Provincial Director ng Cagayan PPO, kasama ang Lokal na Pamahalaan, Brgy. Captains at mga residente ng nasabing bayan na may alitan sa lupa.
Source: Piat Police Station