Php884K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam; 2 tulak ng droga, timbog sa buy-bust ng Davao City PNP

0
18

Nasamsam ng mga tauhan ng Davao City Police Office sa pamumuno ni Police Colonel Peter B. Madria, City Director, sa pamamagitan ng Police Station 2 – Bajada Drug Enforcement Unit na pinangungunahan ni Police Major Marc Anthony C. Egos, katuwang ang Regional Counterintelligence Unit (RCI), ang nasa Php884,000 halaga ng hinihinalang shabu at iba pang items sa isang joint buy-bust operation noong Hunyo 10, 2026 sa Fortune Street, Sta. Cruz, Brgy. Leon Garcia, Agdao, Davao City.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kay alyas “Demonyo,”  39-anyos, kasama ang kanyang 53-anyos na kasamahan na pawang residente ng nasabing lugar.

Patuloy na pinaiigting ng kapulisan ang kanilang mga operasyon upang mabuwag ang mga network ng ilegal na droga at maprotektahan ang komunidad mula sa masasamang epekto nito na naaayon sa mantra ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply