Php748K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat ng PNP DEG 10 at PDEA; mag-asawa, arestado

0
65

Arestado ang isang mag-asawa matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group Special Operating Unit 10 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa San Isidro Labrador, Brgy. Lapasan, Cagayan de Oro City nitong Agosto 4, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N. Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “Urak,” 22 anyos, mula sa Lumbatan, Lanao del Sur, at alyas “Farah,” 21 anyos, residente ng Marawi City.

Narekober sa operasyon ang apat na heat-sealed sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang cellular phone, driver’s license, navy-blue sling bag, at buy-bust money na nagkakahalaga ng Php14,000. Tinatayang nasa Php748,000 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang hinihinalang shabu.

“Ang operasyon na ito ay patunay ng ating proactive at intelligence-driven approach, kasama ang PDEA at iba pang law enforcement agencies. Tuloy-tuloy po ang ating kampanya laban sa illegal drugs upang mapanatiling ligtas at payapa ang ating mga komunidad sa Region 10,” saad ni RD Abrahano.

Source: Police Regional Office 10

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply