Aabot sa Php6 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam at naaresto ang dalawang indibidwal sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Martes, Mayo 12, 2026 sa Baganga, Davao Oriental.
Ayon kay Police Brigadier General Victor Z Rosete, Regional Director ng Police Regional Office 11, ang suspek ay kinilalang si alyas “Elias” at alyas “Rony” na nakuhanan ng 97 mastercases ng GreenHill cigarettes, 16 mastercases ng New Orleans cigarettes, anim na mastercases ng Canon cigarettes, at isang mastercase ng Berlin cigarettes na nagkakahalaga ng Php6 milyon.
“Operations like this reflect our continuing commitment to protect communities and uphold the law while ensuring that police actions remain within the bounds of due process and respect for human rights,” saad ni PBGen Rosete.
Patuloy ang kampanya ng PRO 11 upang tuldukan ang smuggling sa bansa at nakaangkla sa adhikain na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



