Arestado ang tatlong suspek sa loob ng isang CR sa isang fast-food restaurant na nagresulta sa pagkakasamsam ng nasa Php680,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City nito lamang Hunyo 11, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Oliver C Cinco, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alias Ty, 29; alias Kiko, 29; at alias Ekoy, 30 na nahaharap sa kasong Republic Act 9165, also known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Narekober ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu, mobile phone, long white envelope, at buy-bust cash.
Nabatid na karagdagang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nasa kabuuang 100 gramo na nagkakahalaga ng Php680,000.
Solido ang SPD sa pagpuksa sa iligal na droga na naaayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



