Nasabat ag tinatayang Php640 milyong halaga ng marijuana sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Designated Examination Area ng Container Facility Station 3, Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila nito lamang madaling-araw ng Sabado, Marso 7, 2026.
Kinilala ang suspek na si alyas “Manalo”, 44 anyos, residente ng Legazpi City at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act No. 9165.
Nabatid na nadiskubre ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC) at Philippine Coast Guard (PCG) ang operasyon na nagresulta sa pagkakasabat ng 800 kilo ng hinihinalang marijuana na nakalagay sa 80 itim na plastic storage boxes, cellphone at ID ng suspek.
Solido ang kampanya ng mga otoridad upang tuldukan ang paglaganap ng iligal na droga sa komunidad na walang ibang dala kundi ugat ng karahasan at pagkasira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.



