Benguet – Tinatayang Php584,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre sa isinagawang marijuana eradication ng mga awtoridad sa Sitio Kitikit, Badeo, Kibungan, Benguet, nito lamang Marso 24, 2023.
Naging matagumpay ang isinagawang marijuana eradication ng mga operatiba ng Kibungan Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Efren Anapen, Acting Chief of Police.
Nadiskubre ang dalawang plantasyon kung saan tumambad sa unang site ang tinatayang may 1,840 Fully Grown Marijuana Plants (FGMP) na may Standard Drug Price na (SDP) Php368,000 at pangalawang site na may tinatayang 1,080 FGMP na may SDP na Php216,000 na may kabuuang halaga na Php584,000.
Agad namang binunot at sinunog ng pulisya ang nadiskubreng marijuana habang walang nahuling marijuana cultivator.
Patuloy ang Kibungan PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at kampanya laban sa ilegal na droga upang masiguro ang katahimikan sa kanilang nasasakupan.