Tinatayang Php578,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa buy-bust operation ng Antipolo PNP sa isang High Value Individual (HVI) sa bayan ng Antipolo nito lamang ika-14 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ryan L Manongdo, hepe ng Antipolo Component City Police Station, ang suspek na si alyas “Ecko”, 41 taong gulang, residente ng Cainta, Rizal.
Naaresto ang suspek sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Antipolo Component City Police Station at nakumpiska mula sa suspek ang labing tatlong (13) pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 85 gramo at nagkakahalaga ng Php578,000.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang operasyon na ito kontra ilegal na droga ng kapulisan ng Rizal ay mahalaga sa pagtataguyod ng isang ligtas at mapayapang lipunan. Sa patuloy na pagpapatupad ng batas nagkakaroon ng mas matatag na hakbang tungo sa isang bansa na malaya sa banta ng ilegal na droga at nagbibigay ng mas maliwanag na kinabukasan sa bawat mamamayan.
Source: Rizal Police Provincial Office