Nakumpiska ang tinatayang Php544,000 halaga ng shabu mula sa dalawang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok Lerio, Poblacion, Margosatubig, Zamboanga del Sur nito lamang ika-12 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bowenn Joey M Masauding, Regional Director ng Police Regional Office 9, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Boying”, 24, lalaki (HVI) at alyas “Ando”, 22, lalaki (HVI), parehong residente ng Barangay Molum, Lapuyan, Zamboanga del Sur.
Nakumpiska sa operasyon ang walong transparent heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit kumulang walong gramo na nagkakahalaga ng tinatayang Php544,000: isang pirasong white envelope na nagsilbi bilang container ng droga; isang unit ng Realme Android cellphone at iba pang non drug evidence.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang pagkakasamsam ng malaking halaga ng shabu ng Zamboanga PNP katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay isang malaking tagumpay para sa law enforcement agencies sa Pilipinas na nagpapakita ng dedikasyon at kahusayan sa paglaban sa kampanya kontra ilegal na droga na isa sa malaking problema sa bansa tungo sa isang ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco