Php5.5M halaga ng droga, nasamsam sa buy-bust sa Laguna

0
1403

Arestado ang isang High Value Individual (HVI) na sangkot sa ilegal na kalakalan ng droga sa buy-bust operation na isinagawa ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng Siniloan PNP, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Pulo 2, Barangay Wawa, Siniloan, Laguna noong Hulyo 3, 2025.

Kinilala ni Police Brigadier General Jack L Wanky, Acting Regional Director ng Police Regional Office CALABARZON, ang suspek na si alyas “Jerald”, 32 taong gulang na lalaki at residente ng Barangay Wawa, Siniloan, Laguna.

Nakumpiska mula sa suspek ang walong (8) knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 810 gramo at may Standard Drug Price na Php5,508,000, at ang marked money o perang ginamit sa isinagawang buy-bust operation.

Ang suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Pinuri naman ni PBGen Wanky ang matagumpay na operasyon matapos masamsam ang malaking halaga ng illegal na droga, aniya, “Kamakailan lamang ay nahuli natin ang isang big-time na tulak ng droga sa Laguna, at ngayon ay isa na namang High Value Individual ang nahulog sa kamay ng mga awtoridad. Patunay ito na epektibo ang ating sama-samang pagsusumikap at pakikipagtulungan sa iba’t ibang anti-illegal drug units at sa komunidad upang mapigilan ang paglaganap ng ilegal na droga sa buong rehiyon.”

Hindi titigil ang buong hanay ng kapulisan sa kanilang mandato upang tuluyan ng masiwata ang illegal na kalakaran ng droga sa ating lipunan.