Php476K halaga ng shabu, nasabat ng Parañaque City PNP; High Value Individual, huli

0
536

Huli ang isang High Value Individual na nagresulta sa pagkakasabat ng tinatayang Php476,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa kahabaan ng Bayabas Street, Purok 7, Sampaloc Site 2, Parañaque City bandang 3:05 ng madaling araw nito lamang Enero 17, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Randy Arceo, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “MJ’, 21 anyos.

Nasabat mula sa suspek ang 70 gramo ng shabu na naglalaman ng isang heat-sealed plastic sachet na tumitimbang ng limang gramo, at 13 iba’t ibang laking sachets na tumitimbang ng 65 gramo, buy-bust money, pink coin purse, at green-cased iPhone cellular phone.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.

Nanawagan naman ang SPD sa kooperasyon ng publiko at hinikayat ang mga residente na iulat ang mga aktibidad na may kaugnayan sa iligal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran sa Southern Metro Manila.

Source: https://mb.com.ph/2026/01/18/p476k-worth-of-shabu-seized-in-paranaque-buy-bust-operation