Nasamsam ang tinatayang Php455 milyong halaga ng shabu mula sa dalawang indibidwal sa isinagawang malawakang anti-illegal drug operation ng mga pinagsanib na pwersa ng RDEU9, ZCPS3, WMNC, NISG-NAVSOU Phil Navy, 902nd MC RMFB9, PDEG SOU9, PDEA ZCO at Lamitan Police Station, BARMM dakong 8:30 ng gabi nito lamang Agosto 19, 2025 sa Zone 1, Barangay Bungaio, Zamboanga City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Mohammad”, 46 taong gulang, residente ng Divisoria, Zamboanga City at alyas “Ai”, 31 taong gulang, residente ng Banale, Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Nasamsam sa operasyon ang 67 pirasong vacuum-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang tumitimbang ng 67 kilo at may halagang Php455.6 milyon, isang unit na kulay puting Toyota Hilux na may plakang NHM 3421 at dalawang pirasong bagahe na ginamit bilang sisidlan ng mga iligal na droga.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa sinumpaang tungkulin lalo na sa kanilang kampanya kontra iligal na droga upang mapanatiling ligtas ang kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco



