Tinatayang Php431,120 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa nadakip na suspek matapos maaktuhang nagsasagawa ng transaksyon ng droga sa Barangay Pala-o, Iligan City nito lamang ika-3 ng Disyembre 2024.


Kinilala ni Police Major Neil Mark Quipanes, Station Commander ng Iligan City Police Station 5, ang suspek na si alyas “Insik”, 39 anyos at residente ng Barangay Sta Rosario, Iligan City.
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang malaking pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na nasa 63.4 na gramo na may Php431,120 halaga at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Iligan City PNP ay patuloy sa pagsagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga at anumang uri ng krimen sa kanilang nasasakupan para sa isang mas mapayapang Bagong pilipinas.