Nasabat ang nasa Php427,924 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Police Regional Offoice 12 (PRO12), bandang 10:07 ng gabi, noong Setyembre 9, 2026, sa Brgy. Apopong, General Santos City.
Ayon kay Police Brigadier General Alan B Manibog, Regional Director ng Police Regional Office 12, isang 41 anyos na tricycle driver na si alyas “Kurt” ang nakuhanan ng tinatayang 62.93 gramo ng hinihinalang shabu.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng General Santos City Police Drug Enforcement Unit, General Santos City Intelligence Unit at General Santos City Police Station 2.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nadakip na suspek.
“Patuloy nating paiigtingin ang ating operasyon laban sa ilegal na droga. Ang bawat pagkakaaresto at pagkakumpiska ng droga ay hakbang tungo sa mas ligtas na komunidad na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” ani ni PBGen Manibog.

