Php4.79M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company

0
322

Naasabat ng mga tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company Seaborne sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Joel A Senogat Jr., Force Commander, ang mahigit Php4.79 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa baybaying bahagi ng Zamboanga City nito lamang Hulyo 16, 2026.

Nabatid na narekober ang nasa 32 master cases ng Green Hills (Menthol) na hinihinalang smuggled na sigarilyo na may tinatayang halagang Php4.791,123 mula sa isang inabandonang motorboat.

Ang matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin sa matatag na pangako ng Zamboanga City Mobile Force Company sa pagpapatibay ng seguridad sa karagatan at higit pang pagpapalakas ng kampanya laban sa smuggling sa rehiyon na patunay ng dedikasyon ng PNP sa pagsusulong ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas” sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.

Leave a Reply