Tuesday, January 7, 2025

Php3M halaga ng marijuana binunot at sinunog ng Kalinga PNP

Tinglayan, Kalinga – Tinatayang Php3,000,000 ang halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng Kalinga PNP sa isinagawang dalawang araw na Marijuana Eradication sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga noong Hunyo 15-16, 2022.

Ayon kay Police Colonel Peter Tagtag Jr., Acting Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, isinagawa ang Marijuana Eradication o OPLAN Chakun 111 ng pinagsanib na puwersa ng Tinglayan Municipal Police Station, PNP-Drug Enforcement Group at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company (KPMFC).

Ayon pa kay Police Colonel Tagtag Jr., nadiskubre sa nasabing operasyon ang humigit-kumulang 15,000 fully-grown na halaman ng marijuana na may tinatayang halaga na Php3,000,000 batay sa halagang itinakda ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa lugar na may sukat na 1,500 meter square.

Dagdag pa ni Police Colonel Tagtag Jr., bagama’t walang nahuling magsasaka ng marijuana ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala at mapanagot ang mga lumabag sa batas.

Samantala, ang mga binunot na halaman ng marijuana ay agad ding sinunog sa lugar.

Hinihikayat naman ni Police Colonel Tagtag Jr ang mga residente ng Tinglayan na makiisa sa Pambansang Pulisya upang mapuksa at matigil ang pagtatanim at pagtransport ng mga ipinagbabawal na gamot sa Kalinga.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles