Arestado ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station ang isang babaeng sangkot sa malakihan at syndicated illegal recruitment sa isang coffee shop sa Robinsons Manila nito lamang Lunes, Enero 5, 2025.
Ayon kay Police Brigadier General Manuel J Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang suspek ay si alyas “Jam”, 37 anyos.
Nakalista si alyas “Jam” bilang Rank 4 Most Wanted Person sa Provincial Level ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Benguet, na nahaharap sa mga kaso ng large-scale at syndicated illegal recruitment sa ilalim ng Section 6 ng Republic Act 8042 o “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act”, na sinususugan ng RA 10022, kaugnay ng RA 10175 o “Cybercrime Prevention Act”.
Muling pinatunayan ni PBGen Abrugena ang pangako ng SPD sa paglaban sa kriminalidad, partikular na ang mga iligal na recruitment scheme. Binibigyang-diin ng pag-arestong ito ang dedikasyon ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at kaunlaran sa ating bayan.
Source: SPD PIO



