Php375K halaga ng hinihinalang high-grade marijuana kush, nasabat ng Parañaque Cops; 2 indibidwal, arestado

0
213

Arestado ang dalawang indibidwal at nasabat ang nasa Php375,000 halaga ng hinihinalang high-grade marijuana kush sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City Police Station nito lamang Agosto 23, 2026 sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.

Kinilala ni Police Colonel Nicolas S Piñon, Chief of Police, Parañaque City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Paul”, 24 anyos, walang trabaho, residente ng Barangay Moonwalk, Parañaque City at alyas “Mikko”, 24 anyos, walang trabaho, residente ng Brgy. San Isidro, Parañaque City na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at Section 11 (Possession) ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na nakabili ang isang undercover na pulis ng hinihinalang high-grade marijuana kush mula sa mga suspek at narekober ang nasa 250 gramo na nagkakahalaga ng Php375,000, buy-bust money, at smartphone.

Bilang bahagi ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” hinikayat ng Parañaque PNP ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa kapulisan at agad na ipagbigay-alam ang anumang impormasyon hinggil sa ilegal na droga at iba pang kriminal na aktibidad na hadlang sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.

Leave a Reply