Arestado ng Police Regional Office 10 (PRO10) ang isang lalaking suspek matapos makumpiskahan ng 53.06 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php360,808 sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 4, Brgy. Candis, Tubod, Lanao del Norte, noong madaling-araw ng Martes, Nobyembre 3, 2026.
Kinilala ni PBGen Nestor C Babagay Jr., Regional Director ng PRO10, ang suspek na si alyas “Abay,” 35 anyos, residente ng nasabing lugar na nakuhanan ng 53.06 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang coin purse, at dalawang disposable lighter.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Lanao del Norte Provincial Drug Enforcement Unit, Lanao del Norte Provincial Intelligence Unit at Tubod Municipal Police Station, sa koordinasyon ng PDEA.
Patuloy na hinihikayat ng PRO10 ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan at iulat ang anumang impormasyong may kaugnayan sa ilegal na droga upang mapanatiling ligtas ang mga komunidad, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1J6dN4jDnJ/

