Nasabat ng kapulisan ng Central Visayas ang higit Php35.7 milyong halaga ng shabu sa isang High Value Individual na suspek sa raid na ikinasa sa Gaisano Street, Barangay Tejero, Cebu City noong Oktubre 29, 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Jomar P Dela Cerna, Chief ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7 ng Police Regional Office 7, nakilala ang suspek na si alyas “Ogis”, 45 anyos na residente ng Sitio Silot, Barangay Yati, Liloan, Cebu.
Nakumpiska mula sa suspek ang limang plastic packs ng hinihinalang shabu na may timbang na 5,250 gramo at may Standard Drug Price na Php35,700,000, buy-bust money, at iba pang drug paraphernalia.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng mga operatiba ng RPDEU 7, PNP DEG SOU 7, PS3 CCPO at PDEA RO 7 RSET-MCO, IS-IOU.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang kapulisan ng Central Visayas katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga. Ito ay alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng pamahalaan na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga ilegal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.
Source: RPDEU7 SR