Nasamsam ng mga operatiba ng pulisya ang tinatayang Php343,400 halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang Street Level Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Katitisan, Lambayong, Sultan Kudarat noong Mayo 15, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Arnold P. Ardiente, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Alverto,” 33 anyos at residente ng nasabing barangay.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Lambayong Municipal Police Station, katuwang ang Sultan Kudarat Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, at 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 12, ang operasyon laban sa suspek.
Nakumpiska sa isinagawang operasyon ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 0.500 gramo na may tinatayang halaga na Php3,400. Bukod dito, narekober pa mula sa pag-iingat ng suspek ang anim pang sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na tinatayang 50 gramo at may standard drug price na Php340,000 at iba pang non-drug paraphernalia.
“PRO 12 remains relentless in its campaign against illegal drugs as we continue to intensify our operations to protect our communities from the harmful effects of illegal substances. This accomplishment reflects the strong collaboration among law enforcement agencies and our steadfast dedication to maintaining peace, order, and public safety in the region,” ani ni PBGen Ardiente.
Source RPIO, PRO 12



