Php340K halaga ng shabu, nasamsam sa Davao City; suspek, arestado

0
272

Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang Php340,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang indibidwal sa isinagawang Joint PNP/Task Force checkpoint sa Licanan, Lasang, Davao City nito lamang Mayo 29, 2025.

Kinilala ni Police Major Ian James S. Acal, Acting Station Commander ng Bunawan Police Station, ang suspek na si alyas “Junmar”, 40 taong gulang, at residente ng Tugbok Mahayahay, Davao City.

Tinatayang nasa 50 gramo ang kabuuang bigat ng nakumpiskang droga.

Kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.

Patuloy ang paalala ng Police Regional Office 11 sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga at ang aktibong pakikiisa ng mamamayan ay mahalagang bahagi upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng buong lungsod.

Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino