Caloocan City — Umabot sa Php340,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Caloocan PNP, nito lamang Lunes, Abril 25, 2022.
Kinilala ni Northern Police District Director Police Brigadier General Ulysses Cruz, ang suspek na si Allan Banding y Olama alyas “Bapa”, 48 at residente ng Phase 12 Riverside, Barangay 188, Tala, Lungsod ng Caloocan.
Ayon kay PBGen Cruz, bandang 11:00 nang gabi naaresto si Banding sa kahabaan ng Phase 12 sa kanyang lugar ng pinagsanib puwersa ng OCOP- DEU, CCPS, 6th MFC RMFB-NCRPO at PDEA-RONCR.
Narekober sa kanya ang dalawang medium transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 50 gramo at nagkakahalaga ng Php340,000, Php1,000 genuine money, apatnapu’t apat na Php1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap si Banding sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 Article II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni PBGen Cruz na ang NPD ay mahigpit na magsasagawa ng operasyon kontra ilegal na droga at mahuli ang mga tulak sa lungsod.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos