Nakumpiska ang tinatayang Php340,000 halaga ng shabu mula sa isang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok Dos, Barangay San Juan, Aurora, Zamboanga del Sur bandang 7:46 ng gabi ng Hunyo 2, 2025.
Kinilala ni Police Major Michael S Giner, Acting Chief of Police ng Aurora Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Willie”, 49 anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Nasamsam mula sa suspek ang isang medium-sized na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust evidence), 12 sealed transparent sachets na may iba’t ibang laki (anim na malaki, tatlong medium, at tatlong maliit) na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may kabuuang timbang na hindi hihigit sa 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php340,000, isang piraso ng Php1,000 bill na may serial number DC687495 kasama ang boodle money at iba pang non-drug evidence.
Patuloy ang PNP sa pagtugis sa mga taong sangkot sa iligal na droga na sumisira sa magandang kinabukasan ng mga kabataan at katahimikan ng pamayanan.
Panulat ni Pat Joyce M Franco