Most Wanted Person, arestado sa kasong Statutory Rape

0
247

Arestado ng mga operatiba ng Malolos City Police Station ang Top 5 Most Wanted Person sa Provincial Level at Top 1 sa City Level sa Barangay Sto Rosario, City of Malolos, Bulacan nito lamang Lunes, ika-2 ng Hunyo 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Geneblazo, Chief of Police ng Malolos CPS, ang suspek na si alyas “Joe,” 20 taong gulang, at residente ng Barangay Bagna, Malolos City.

Matagumpay na isinagawa ang operasyon dakong 1:00 ng madaling araw sa pangunguna ng Malolos Police Station Trackers Team, katuwang ang Provincial Intelligence Team–Bulacan East.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy na pinaiigting ng Pambansang Pulisya ang kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga naging biktima at hindi na pamarisan pa ng iba.