Tinatayang Php306,000 halaga ng shabu at Loose Firearms ang nakumpiska sa isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Antipolo PNP sa Antipolo, Rizal nito lamang ika-23 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Oca”, 49 taong gulang, construction worker, at residente ng Antipolo City.
Nakuha mula sa suspek ang walong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 45 gramo at nagkakahalaga ng Php306,000, isang unit ng Calibre 45, isang unit ng Calibre 9mm, sampung pirasong bala ng nasabing mga baril at isang pirasong Php1,000 bill bilang boodle money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang Rizal PNP ay nagnanais na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagsugpo sa iba’t ibang uri ng krimen at higit sa lahat ang problema sa ilegal na droga patungo sa adhikain ng ating kasalukuyang administrasyon na isang payapa at ligtas na komunidad sa Bagong Pilipinas.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng