Nasabat ang tinatayang Php300,000 halaga ng shabu at isang Cal. 45 pistol sa isinagawang Checkpoint Operation ng mga awtoridad sa Barangay Kanguan, Datu Piang Maguindanao del Sur noong ika-12 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Captain Razul G Pandulo, Hepe ng Datu Piang Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Sam”, 36 anyos na residente ng Barangay Pandi Datu Salibo, Maguindanao del Sur.
Ayon kay PCpt Pandulo, sakay ang suspek ng isang mini van nang mapadaan at pinahinto ng mga operatiba dahil walang plaka ang sinasakyan nito.
Nang inspeksyunin ang sasakyan, tumambad sa mga awtoridad ang isang Unit ng Cal. 45 pistol ng walang kaukulang mga dokumento at 10 piraso ng plastic sachet na pinaniniwalaang shabu na may timbang na 48 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php300,000.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek.
Patuloy ang Maguindanao del Sur PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui