Php2M ilegal na sigarilyo, narekober ng mga awtoridad sa Zamboanga City

0
30

Matagumpay na narekober ng pinagsanib na operatiba ng CIDG Zamboanga City Field Unit katuwang ang Bureau of Customs (BOC) Regional Office IX at Police Station 11 ng Zamboanga City Police Office ang tinatayang aabot sa 11 master cases at 140 reams ng hinihinalang smuggled cigarettes na nagkakahalaga sa PhP 2,066,165.80 sa isinagawang operasyon nitong July 28, 2026 sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City.

Ayon kay PMGen Robert AA Morico II, Director ng Criminal Investigation and Detection Group, naaresto ng mga kapulisan ang driver ng minivan na isang 27-year-old at residente ng Barangay Arena Blanco, Zamboanga City. Wala umanong naipakitang mga dokumento ang driver mula sa Bureau of Customs at lumabag  sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Pinuri naman ng pamunuan ng CIDG ang CIDG Regional Field Unit 9 sa pangunguna ni PCol Rafael D Lero, maging ang CIDG Zamboanga City Field Unit sa pangunguna ni  PLtCol Aurelio S Domingo; at ang Bureau of Customs Regional Office IX at Police Station 11, Zamboanga City Police Office, sa koordinadong operasyon na nagresulta sa pagkakarekober ng nasabing mga kontrabandong sigarilyo.

Alinsunod sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” tiniyak ng CIDG sa publiko na magpapatuloy ang parehong mga operasyon upang mapangalagaan ang ekonomiya ng bansa at maging ang kalusugan ng publiko na posibleng maapektuhan sa mga ilegal na produkto.

Leave a Reply