Tinatayang Php2,040,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Badeo, Kibungan, Benguet nito lamang Pebrero 3, 2025.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng kibungan Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit at Benguet Police Provincial Office.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may lawak na 1,700 na may mahigit 10,200 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants at may Standard Drug Price na Php2,040,000.
Ang matagumpay na operasyon at patuloy na pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.