Nasabat ng mga operatiba ng Parañaque City Police Station ang tinatayang Php2 milyong halaga ng droga mula sa isang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation sa Green Heights 10 Avenue, 74-A, San Dionisio, Paranaque City nito lamang Huwebes, Nobyembre 7, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard Yang, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas ”Kylie”.
Nakumpiska mula sa possession at control ng suspek ang humigit-kumulang 141 gramo ng Cocaine na nagkakahalaga ng Php747,300, 153 gramo ng Ketamine na nagkakahalaga naman ng Php765,000, 274 gramo ng high grade marijuana (Kush) na nagkakahalaga ng Php411,000 at 78 gramo ng iba’t ibang tableta ng Ecstasy na may Standard Drug Price na Php132,000.
Ang lahat ng ilegal na droga ay may kabuuang halaga na aabot sa Php2,055,300.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang SPD ay hindi titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga upang supilin at labanan ang mga sindikato para sa isang maayos, ligtas at maunlad na bansa.
Source: Parañaque CPS
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos