Davao City – Tinatayang aabot sa Php270,096 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng tinaguriang High Value Individual ng mga awtoridad sa Brgy. 27-C, Sta. Ana, Davao City nito lamang Oktubre 31, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ronald Lao, Station Commander ng Sta. Ana Police Station, ang suspek na si alyas “Cherry”, residente ng nasabing lugar.
Naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang tauhan ng Sta. Ana Police Station at Davao City Drug Enforcement Unit.

Nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 39.72 gramo na may street market value na Php270,090 at ang marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang pagkakadakip sa suspek ay malaking kabawasan sa hanay ng mga nagpapalaganap ng ilegal na droga sa Rehiyon Onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara