Php26.4M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng PRO 9

0
1058

Nasabat ang tinatayang Php26.4 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Police Regional Office 9 noong Hulyo 7, 2025 dakong 7:40 ng umaga sa kahabaan ng R.T. Lim Boulevard, Barangay Baliwasan, Zamboanga City.

Kinilala ni Police Brigadier General Roel C Rodolfo, Regional Director ng Police Regional Office 9, ang mga suspek na isang 33-anyos na residente ng Barangay Tumaga at isang 37-anyos mula sa Barangay San Jose Cawa-Cawa, kapwa taga-Zamboanga City.

Lulan ng isang (1) putting closed van ang 139 master cases at apat (4) na reams ng Cannon (Menthol), 123 master cases at 46 reams ng Bravo (Red), tatlong (3) master cases ng Bossqu (Red), 24 master cases at 48 reams ng Modern (Red), 17 master cases at 49 reams ng Walton (Menthol), 35 master cases ng Delta (Red), 20 master cases ng Casablanca (Red), 20 master cases ng New Mega (Menthol), apat (4) na master cases ng Marko (Menthol) at isang (1) master case ng Walter (Red) na may tinatayang nasa Php26,415,300.

“Ang tagumpay na ito ay malinaw na mensahe sa mga sangkot sa smuggling — alerto ang ating mga tauhan, aktibo ang ating mga checkpoint, at determinado tayong pigilan ang mga ilegal na aktibidad,” ani RD Rodolfo.