Php247K halaga ng mga unregistered cosmetic products, nakumpiska sa Angeles, Pampanga

0
290
Screenshot

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa Php247K halaga ng mga unregistered cosmetic products mula sa tatlong babaeng suspek sa isinagawang law enforcement operation dahil sa paglabag sa Republic Act 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) sa isang beauty clinic sa may kahabaan ng Mc Arthur Highway, Balibago, Angeles City, Pampanga kamakailan lamang.

Isinakatuparan ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Angeles City Field Unit, katuwang ang Philippine Air Force (PAF) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) intelligence unit na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek kabilang na ang isang Vietnamese national.

Kinilala ni PMGen Robert AA Morico II, Director ng CIDG, ang mga suspek na sina “Phan”, isang Vietnamese na manager ng nasabing beauty clinic, kasama ang kanyang mga tauhan na sina “Aida” at “Kim” na nahuling nagbebenta ng mga beauty products na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) at wala ring License to Operate (LTO).

Ipinatupad ng CIDG ang nasabing operasyon bilang bahagi ng PNP Focused Agenda na isinulong ni PLtGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief ng Philippine National Police.

“Since the cosmetics products have not gone through the evaluation process of the Food and Drug Administration, their quality and safety cannot be assured.” giit pa ni PMGen Morico II.

Makakaasa naman ang publiko na ipagpapatuloy ng CIDG ang parehong mga operasyon na nakaangkla sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipinong konsumer partikular na sa mga ilegal na produkto.

Leave a Reply