Matagumpay na narekober ng mga awtoridad ang nasa 40 kilos ng hinihinalang cocaine na may estimated street value na Php233.2 Milyon mula sa dalawang Indian nationals sa Calamba, Laguna nito lamang umaga ng February 21, 2026.
Kinilala ang mga suspek na sina SK Munir, 30, at Abdul Alim, 32, na kasama umano sa drug list ng Calamba police.
Ayon pa sa ulat, naaresto ang mga suspek matapos mahuli sa akto na nagbebenta ng nasabing mga cocaine sa isang police poseur buyer sa Barangay La Mesa.
Ibinalot pa umano ang mga iligal na droga sa mga plastic bags, na inilagay sa paper bag at cardboard box.
Bukod pa sa mga cocaine, narekober din ng Calamba PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa mga suspek ang isang cellphone na pinaniniwalaang ginamit sa nasabing illegal drug transaction, kasama ang dalawang passport at marked money.
Isinailalim umano ang mga suspek sa isang linggong surveillance bago pa man isinagawa ang naturang operasyon.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Source: https://www.philstar.com/nation/2026/02/22/2509614/p2332-million-cocaine-seized-laguna

