Rizal – Tinatayang Php215,694 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Binangonan PNP nito lamang Miyerkules, Nobyembre 8, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Onel”, 31 at alyas “Apong”, 31, pawang residente ng Binangonan, Rizal at nakalista bilang High Value Individual (HVI).
Naaresto ang dalawang suspek bandang 9:15 ng gabi sa Binangonan, Rizal ng mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Team ng Binangonan Municipal Police Station.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang walong pakete ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit kumulang 31.26 gramo at nagkakahalaga ng Php215,694, isang pirasong Php500 bill (buy-bust money), limang piraso ng Php100 bill, isang cellphone, isang motorsiklo at isang coin purse.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Rizal PNP will not stop fighting and suppressing illegal drugs, our police force ensures that the citizens of Rizal are safe from illegal activity, illegal drugs and criminality”, pahayag ni PCol Maraggun.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin