Laguna – Nasamsam ang tinatayang Php214,000 halaga ng shabu sa isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Sta. Cruz PNP nito lamang Disyembre 28, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas ‘’Ramil’’, residente ng Liliw, Laguna.
Naaresto ang suspek dakong 6:00 ng hapon sa Sitio Maulawin, Brgy. Labuin, Santa Cruz, Laguna ng mga operatiba ng Sta. Cruz Municipal Police Station at nasamsam ang tatlong pirasong plastic sachets at isang knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit kumulang 31.5 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php214,000, isang Php500 bill, isang pouch at isang cellular phone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Habang patuloy nating isinasagawa ang ating mga pagsisikap laban sa ilegal na droga, ang operasyong ito ay patunay sa dedikasyon ng ating mga alagad ng batas sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Hinihikayat namin ang publiko na manatiling mapanuri at makipagtulungan sa ating iisang layunin na magkaroon ng mas ligtas na komunidad. Maging babala ito sa mga sangkot sa ilegal na gawain: hahabulin kayo ng batas. Magtulungan tayo upang magkaroon ng lipunang malaya sa droga para sa ikabubuti ng ating bayan”, pahayag ni PCol Depositar.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin