Arestado ang dalawang suspek na babae matapos mahulihan ng Php20.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Kapaping, Barangay Basak, Lapu-Lapu City, Cebu, noong ika-8 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Major Judith B Besas, Station Commander ng Police Station 4, Lapu-Lapu City Police Office, ang mga High Value Individual na suspek na sina “Gaga”, 44 at “Eng-eng”, 26, na pawang mga residente ng Basak-Merkado, Barangay Basak, Lapu-Lapu City, Cebu.
Bandang 10:17 ng gabi ng ikinasa ng pulisya ang nasabing buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek at pagkasabat ng 4 na plastic pack ng hinihinalang shabu na may timbang na 3 kilos na may Standard Drug Price na Php20,400,000, dark blue shoulder bag, black wallet, Oppo cellphone, mga IDs at buy-bust money.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng Police Station 4, City Intelligence Unit/City Drug Enforcement Unit, LCPO at Philippine National Police Drug Enforcement Group – Special Operations Unit.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patunay lamang na ang Lapu-Lapu City PNP ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin lalo na sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga dahil sa Bagong Pilipinas, gusto ng pulis, ligtas ka.
Source: PS4, LCPO
Panulat ni Pat Grace P Coligado