Nasamsam ang tinatayang Php189,040 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Baliok Police Station sa Purok 11 DAPSA, Barangay Catalunan Pequeño, Talomo District, Davao City nito lamang Pebrero 5, 2025.
Ayon kay Police Major Harold S. Untalan, Acting Station Commander ng Baliok Police Station, ang mga suspek ay kinilalang sina alyas “Toto”, 46 anyos, alyas “Danilo”, 34 anyos, alyas “Junnel”, 24 anyos at alyas “Kerwin”, 34 anyos.
Nakuha mula sa mga suspek ang 27.8 gramo ng shabu at iba pang non-drug items.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.
Ang operasyon ito ay hindi lamang tungkol sa pagtugis at pag-aresto sa mga sangkot sa ilegal na droga, kundi pati na rin sa pagpapalaganap ng kamalayan sa mas malawak na epekto ng droga sa buhay ng bawat isa. Sa pamamagitan ng kooperasyon ng publiko, nagiging mas epektibo ang pagpapatupad ng batas at napapalakas ang seguridad ng komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino